Groundbreaking ng Romeo M. Mataac National High School, isinagawa

Groundbreaking ng Romeo M. Mataac National High School, isinagawa
Pormal nang isinagawa ang groundbreaking ceremony ng itatayong bagong national highschool sa Barangay Poctoy, Boac, Marinduque.

Latest Posts

Tuesday, August 26, 2025

Groundbreaking ng Romeo M. Mataac National High School, isinagawa

Romeo Mataac, Jr.

BOAC, Marinduque -- Pormal nang isinagawa ang groundbreaking ceremony ng itatayong bagong national highschool sa Barangay Poctoy, Boac, Marinduque nitong Martes, Agosto 26.

Tatawagin itong Romeo M. Mataac National High School bilang pagkilala sa namayapang long time educator at public servant ng bayan ng Boac na si Romeo Mayorga Mataac o mas kilala bilang Tiyo Roming.

Inaasahan na sa loob ng anim na buwan ay itatatag sa nasabing barangay ang 4-classroom school building sa lupang libreng ipinagkaloob ng pamilya Mataac sa pangunguna ni Celso T. Mataac, Jr. sa Department of Education.

Pamilya Mataac din ang tutustos sa konstruksyon at pagpapagawa ng apat na silid-aralan at iba pang kakailanganin ng eskwelahan kabilang na ang mga computer, at iba pa.

Sa pagkakaroon ng pampublikong sekondarya sa Brgy. Poctoy ay mabebenepisyuhan ang nasa higit limang katabing barangay sa Boac kagaya ng Tumapon, Bamban, Maybo at Malbog.

Sa kasalukuyan ay dumarayo pa sa bayan ang mga mag-aaral mula sa nasabing mga komunidad upang doon magpatuloy ng high school. -- (Romeo A. Mataac, Jr | Photo by Alfred Mingi/MNN)

Our Team

  • Syed Faizan AliMaster / Computers
  • Syed Faizan AliMaster / Computers
  • Syed Faizan AliMaster / Computers
  • Syed Faizan AliMaster / Computers
  • Syed Faizan AliMaster / Computers
  • Syed Faizan AliMaster / Computers